15 March 2025
Calbayog City
National

Pangulong Bongbong Marcos, nakabalik na sa bansa mula sa dalawang araw na pagbisita sa Vietnam

marcos

Nakabalik na sa bansa si pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kaniyang dalawang araw na state visit sa Vietnam.

Lumapag ang eroplanong sinakyan ng pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City, madaling araw ng Miyerkules (Jan. 31).

Sa kaniyang arrival statement, ibinida ng pangulo ang magandang naging bunga ng kaniyang pagbisita sa Vietnam.

Ayon sa pangulo, sa pulong niya kay Vietnam President Vo Van Thoung, tiniyak muli ang commitment ng dalawang bansa na palakasin ang relasyon at pagtutulungan.

Kabilang aniya sa tinalakay ang kooperasyon sa defense, maritime, trade and investment, economic, education, tourism and culture.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *