IBINUNYAG ng veteran showbiz reporter na si Ogie Diaz na nililigawan na nga nina Alden Richards at Jericho Rosales si Kathryn Bernardo.
Sinabi ni Ogie na makikita naman sa body language na nanliligaw na si Alden sa aktres.
Aniya, natutuwa ang pamilya ni Kathryn kay Alden na isang negosyante, financially stable, at responsable – mga katangiang gusto nila para sa kanilang dalaga.
Idinagdag ni Ogie na nanliligaw din si Jericho sa blockbuster actress pero mas gusto raw ng pamilya ni Kathryn si Alden.