20 May 2025
Calbayog City
National

Pamamahagi ng e-titles sa agrarian reform beneficiaries sa Davao, pinangunahan ni PBBM

e-titles

Pinangunahan ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamamahagi ng electronic land titles sa mahigit dalawanlibo animnaraang agrarian reform beneficiaries sa Davao Region.

Sa seremonya sa Rizal Memorial Colleges gym sa Davao City, ipinamahagi ni Marcos ang e-titles sa mga magsasaka mula sa mga lalawigan ng  Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao City.

Saklaw ng mga titulo ang kabuuang tatlunlibo limandaang ektarya ng lupang sakahan.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ng pangulo ang patuloy na pagbubuhos ng mga serbisyo at ayuda ng gobyerno para sa mga magsasaka, tungo sa kanilang paglaya sa kahirapan.

Ibinida rin ng punong ehekutibo ang naipamahaging mahigit siyamnapung libong titulo ng lupa noong 2023, na lagpas ng apatnapung libo mula sa target limampung libong titulo.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *