TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na handa ang pamahalaan na tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Sa video message, sinabi ng pangulo na patuloy ang masusing pagbabantay at pagbibigay ng tulong ng mga ahensya, gaya ng PHIVOLCS, National Disaster Risk Reduction and Management Council, at Department of Social Welfare and Development.
PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta
Sen. Bato Dela Rosa, naispatan sa 6 na magkakaibang lokasyon sa nakalipas na 3 Linggo
Sandiganbayan, ibinasura ang hirit na i-consolidate ang flood control cases laban kay Zaldy Co at sa 16 na iba pa
Bicam para sa 2026 National budget, iniurong sa bukas
Binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang pagtataas ng Alert Level 2 sa Kanlaon ay upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente.
Nakapagpamigay na rin aniya ang gobyerno ng mga kinakailangang tulong sa mga apektadong residente at naka-standby ang iba pang assets para sa deployment.
Nanawagan din ang punong ehekutibo sa mga residente, lalo na sa mga malapit sa mga apektadong lugar na mag-ingat, iwasang lumapit sa 4-Kilometer Permanent Danger Zone, at tumalima sa mga panuntunan at paalala ng mga lokal na otoridad.
