IBINUNYAG ng information minister ng Pakistan na si Attaullah Tarar ang nakalap na credible intelligence information na planong maglunsad ng India ng military strike sa susunod na 24 to 36 hours.
Sa harap ito ng tumataas na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa, dahil sa akusasyon ng India na may Pakistani elements sa nangyaring pag-atake na pumatay ng dalawampu’t anim katao sa Indian Kashmir noong nakaraang linggo.
ALSO READ:
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
Itinanggi naman ng Islamabad ang anumang kaugnayan sa naturang pag-atake, kasabay ng panawagan ng patas na imbestigasyon.
Idinagdag ni Tarar na anumang uri ng pagsalakay ay tatapatan nila ng solidong tugon, at mananagot ang India sa anumang seryosong kahihinatnan ng pangyayari sa rehiyon.
