27 April 2025
Calbayog City
Local

Pagpapalakas at paglilinang sa husay ng kabataan, sentro ng pulong kasama si Calbayog City Mayor Monmon Uy at City Youth Development Council

NAGPATAWAG si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy kasama ang City Youth Development Council upang talakayin ang direksyon ng konseho at suportahan ang youth development programs sa pakikipagtulungan ng sirak kabataan.

Ilan sa mga pinag-usapan ang  updates at reports sa mga inisyatiba ng Sanggguniang Kabataan (sk), kabilang na ang mga dokumento at estado ng kanilang financial independence.

Isinagawa ang pulong sa pakikipag-ugnayan ng Local Youth Development Officer na si Abicer Doroja, upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng youth-oriented projects at initiatives.

Isa itong proactive approach patungo sa pagpapalakas at paglilinang sa husay ng kabataan para sa mas magandang kinabukasan ng komunidad.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *