Naglaan ang Department of Transportation (DOTr) ng 14 billion pesos ngayong taon para sa development at upgrade ng regional airports upang suportahan ang pagbangon ng domestic tourism.
Ayon kay transportation secretary Jaime Bautista, gagamitin nila ang budget para pagandahin ang airports sa dalawampu’t dalawang lungsod at munisipalidad sa labas ng Metro Manila.
Kabilang sa mga makikinabang sa pondo ay ang Kalibo International Airport, Laoag International Airport, Bukidnon Airport, New Zamboanga International Airport, Puerto Princesa Airport at M’lang Airport.
Papasok din ang DOTr sa public-private partnership arrangements para sa upgrade ng mga paliparan sa Bacolod, Bohol, Davao, Iloilo, Kalibo, Puerto Princesa, at Siargao.