PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang 1st Quarter Consultative Meeting, kasama ang mga Local Chief Executives (LCEs) at mga miyembro ng Samar Sea Alliance of LGUs for Fishery Management and Development (SASAFMD).
Sa kanyang papel bilang SASAFMD Chairman, binigyang diin ng Alkalde ang kahalagahan ng pagtalakay sa pagtatalaga ng bawat barangay laban sa iligal na pangingisda.
Nagpaabot naman ng pagsuporta si Board Member Alan Diomangay, Chairman ng Agriculture and Fisheries Committee, at Board Member Anecio Guades, Chairman ng Committee on Laws.
Nagpahayag din ng buong suporta sa SASAFMD si PNP Samar Provincial Director Police Colonel Peter Limbawan kasama ang PNP Maritime at Philippine Coast Guard.