28 April 2025
Calbayog City
National

Pagkakapaslang sa “Mastermind”  sa MSU bombing, kinumpirma ng AFP

KINUMPIRMA ng AFP ang pagkakapaslang sa mastermind sa Mindanao State University (MSU) bombing noong Dec. 3 sa operasyon ng militar sa Lanao del Sur noong nakaraang buwan.

Sa statement, kinumpirma ng militar ang pagkamatay ni Kadapi Mimbesa, alyas “Engineer” sa engkwentro sa pagitan ng 103rd Infrantry Brigade at Dawlah Ismaliyah sa Lanao del Sur simula Jan. 25 hanggang 26. 

Hindi naman tinukoy ng AFP kung ilan ang eksaktong bilang ng mga napaslang sa operasyon, bagaman mayroong mga nakumpiskang matataas na kalibre ng baril.

Sa bahagi naman ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., nanawagan ito sa mga natitirang miyembro ng bandidong grupo na sumuko na kung ayaw nilang sapitin ang nangyari sa kanilang mga nasawing kasamahan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *