27 April 2025
Calbayog City
National

Paghihigpit sa pagpasok ng Chinese Tourists  sa bansa, posibleng magkaroon ng negatibong epekto sa Ekonomiya

NANINIWALA ang Philippine Travel Agencies Association (PTAA) na may negatibong epekto sa  ekonomiya ang mas mahigpit na rules sa Chinese nationals na bumibisita  sa Pilipinas.

Sinabi ni PTAA President Evangeline Tankiang-Manotok na Chinese tourists ang major source ng income para sa Pilipinas, at posibleng mawalan ng gana ang mga Chinese na magtungo sa bansa kung pahihirapan sila sa pagpasok.

Aniya, posible pa nga na mag-isyu ang China ng travel advisories laban sa Pilipinas.

Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na hihigpitan ng Pilipinas ang visa requirements para sa Chinese tourists, sa gitna ng maraming iligal na aplikasyon na natatanggap ang embassy at consulates sa China.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *