APRUBADO na ang pagbubukas ng Samar Island Institute of Medicine.
Ayon kay Samar Governor Sharee Ann Tan, matagal na niyang ipinagdarasal na magkaroon ang lalawigan ng medical institution na accessible sa mga nagnanais maging doktor.
Nagpaabot ng pagbati si Governor Tan sa Samar State University, sa pamumuno ni SSU President Dr. Marilyn Cardoso, gayundin sa mga bumubuo ng SIIM Feasibility Study Technical Working Group.
Aniya, ang hindi matatawarang sakripisyo at sidhi na ipinagkaloob nila sa proyekto ay repleksyon ng kanilang pagnanais na tulungan ang mga Samarnon.
Tiniyak din ng gobernadora ang kanyang buong suporta dahil isa ang kalusugan sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon.