Naging mabunga ang tatlong araw na official visit sa bansa ni Indonesian President Joko Widodo.
Pangako ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Widodo, patuloy na palalakasin ng Pilipinas ang bilateral relations sa Indonesia.
Nagpasalamat din si pangulong Marcos kay Widodo sa mainit na pagtanggap nang bumisita sa Indonesia noong nakaraang taon.
Pinangangalagaan aniya ng dalawang bansa ang mature relationship na naitatag ng mahigit pitong dekada, lalo na sa larangan ng pagtitiwala, mutual understanding, at extensive engagements.
Nagpasalamat naman si Widodo sa mainit na pagtanggap sa kanya ni pangulong Marcos.