SINELYUHAN na ng COMELEC at Miru System Company Limited ang kontrata para sa 2025 midterm elections.
Kahapon ay nilagdaan ang 17.7 billion pesos na kontrata sa pagitan ng COMELEC at South Korean Firm na magsisilbing technology provider ng automated election sa halalan sa susunod na taon.
Sa ilalim ng kontrata, nakasaad na mandato ng Miru ang pagsu-suplay ng software, hardware, at election management system sa eleksyon, kasama na ang pagbibilang ng mga boto at printing ng balota.
Tiniyak naman ng COMELEC at Miru Systems ang pagkakaroon ng matagumpay, malinis at mapayapang halalan sa susunod na taon.