27 April 2025
Calbayog City
Local

P117 million na halaga ng cocaine at shabu, sinunog ng mga otoridad sa E. Samar

ISANDAAN labimpitong milyong pisong halaga ng cocaine at shabu ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Eastern Visayas sa pamamagitan ng pagsunog, kabilang na ang mga narekober kamakailan sa baybayin ng Eastern Samar.

Pinangunahan nina PDEA Assistant Regional Director Alex Tablete at PNP Region 8 Director, Brig. Gen. Reynaldo Pawid ang pagsira sa mga iligal na droga sa crematorium sa bayan ng Palo, sa Leyte.

Sinaksihan ito ng mga kinatawan mula sa National Prosecution Service at Tacloban City Prosecutor’s Office, civil society groups, media, at mga opisyal mula sa provincial government.

Bukod sa dalawampung bricks ng cocaine na tumitimbang ng mahigit 21 kilos at tinayang nagkakahalaga ng 111.85 million pesos, sinunog din ng mga otoridad ang 924 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 6 million pesos; 600 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng 72,000 pesos; at mga expired na gamot na nagkakahalaga ng 166,000 pesos.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *