SINIMULAN na ng Eastern Visayas State University (EVSU) sa Tacloban City ang pagpapatupad ng kanilang 1.5-billion peso “Smart” campus project na naglalayong gawing moderno ang operasyon ng pinakamatandang tertiary school sa rehiyon.
Ayon kay EVSU President Dennis de Paz, ang una sa mula sa tatlong phase projects na inaward sa Lancaster Technology and Development Philippines, Inc. ay inaasahang makukumpleto sa susunod na taon.
Kabilang sa major components ng proyekto ay pagtatayo ng information and communications technology site, three-story innovation hub, at fabrication laboratory.
Sinabi ni De Paz na ang dalawang gusali ay may pinagsamang budget requirement na 300 million pesos.
Kabilang sa iba pang features ng project ay paglalagay ng command-and-control facilities, tracking cameras, digital boards, at smart classrooms.