ITINANGHAL na Biggest Winner ang P-Pop Group na SB19 sa 14th at 15th editions ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music, na kumikilala sa kontribusyon ng local artists sa music industry.
Ang mga nagwagi ay inanunsyo ni PMPC President at veteran entertainment writer Rodel Ocampo sa pamamagitan ng facebook.
Sinabi ni Ocampo na pinatunayan ng sikat na pinoy pop group ang kanilang natatanging talento at kahusayan sa musika.
Nasungkit ng SB19 ang “Mapa” para sa Song of the Year at Duo/Group artist of the Year; “Pagsibol” para sa Album of the Year at Pop Album of the Year; at “Bazinga” para sa Dance Recording of the Year.
Samantala, ang music veterans na sina Hajji Alejandro, Rey Valera, Vernie Varga, at Odette Quesada, ay pinagkalooban ng lifetime achievement awards para sa kanilang naging ambag sa local music scene.