27 March 2025
Calbayog City
Entertainment

Ogie Diaz itinangging siya ang nagpasimula ng tsismis tungkol sa hiwalayang Kathniel dahil kay Andrea Brillantes

IGINIIT ni Ogie Diaz na hindi sa kanya nagsimula ang ispekulasyon na break na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pati na ang tsismis na nagli-link sa aktor kay Andrea Brillantes.

Ipinaliwanag ng comedian-talent manager sa kanyang vlog na ikinuwento lamang niya ang mga hinala na kanyang narinig, kasabay ng pagbibigay diin na ilang ulit din niyang sinabi na ang impormasyon ay hindi pa kumpirmado.

Inihayag din ni Ogie na maging siya ay umaasang hindi sana totoo ang mga kinakalat nilang tsismis, at naniniwala siyang sa ending ay sina Daniel at Kathryn pa rin ang magkakatuluyan.

Sa mga naunang vlogs ni Ogie, ibinunyag nito ang tsismis na hiwalay na ang power couple at sekretong nagkikita sina Daniel at Andrea na ikinagalit naman ng mga fans ng Kathniel.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *