20 May 2025
Calbayog City
National

Ocular inspection sa Chocolate Hills sa Bohol, ikinakasa ng senado

chocolate hills

Pinaplano ng senado na magsagawa ng ocular inspection sa Captain’s Peak Garden and Resort, ang nag-viral na istruktura dahil nakatayo sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol.

Pangungunahan nina Senate Committee on Environment Chairperson Cynthia Villar at Senate Committee on Tourism Chairperson Nancy Binay ang isasagawang ocular inspection.

Sinabi ni Binay na nangako na si Villar na magsasagawa ng senate hearing ang kumite tungkol sa isyu

Iminungkahi rin ng senadora na gibain na ang naturang resort dahil nakakasira lang aniya ito sa ganda ng Chocolate Hills.

Naniniwala ang mambabatas na nangyari ang pagpapahintulot na magtayo ng mga istruktura sa gitna ng Chocolate Hills dahil sa kakulangan ng information dissemination tungkol sa kahalagahan na maipreserba ang ito.

Kaya naman isinusulong din ni Binay na maipaalam, hindi lang sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kundi lalo na sa mga residente ng Bohol ang tungkol sa kahalagahan na protektahan ang naturang lugar.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *