LUMAGDA sina Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy at NwSSU President Benjamin Pecayo ng kontrata sa pagitan ng Northwest Samar State University at Calbayog City Health Office.
Ang kolaborasyon ay alinsunod sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order No. 15 Series of 2017, kung saan nakalatag ang mga polisiya, standards, at guidelines para sa Bachelor of Science in Nursing (BSN) Program.
Layunin nito na mabigyan ang mga estudyante ng karagdagang learning experiences, clinical exposure, at specialized training sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa mga ospital at health facilities.