SA kanilang ikatlong sunod na panalo, natakasan ng Northport Batang Pier ang Meralco Bolts sa score na 90-85, kagabi, sa Araneta Coliseum.
Matapos malugmok sa kanilang conference opener laban sa NLEX, pinagbuti ng Batang Pier kanilang assignments para umakyat sa 3-1 sa 2024 PBA Philippine Cup.
Apat na players ang umiskor ng double-digits para sa Northport, na kinabibilangan nina Arvin Tolentino at JM Calma na kapwa nakapagtala ng 16 markers.
Nag-ambag din si Cade Flores ng 13 points, 6 rebounds, at 6 steals, habang si Joshua Munzon ay mayroong 6 points, 6 rebounds, 5 assists, at 4 steals.