TARGET ng Board Of Investments (BOI) na gawin ang Northern Samar bilang destinasyon para sa Strategic Investments sa Visayas.
Sa press briefing, sinabi ni BOI Director Ernesto Delos Reyes Jr. na napakalapit ng Northern Samar sa Luzon, at nagsisilbi itong gateway sa Visayas sa pamamagitan ng land transport.
Inihayag din ni Delos Reyes na panahon na para dalhin ang mga investment sa lalawigan na mayaman sa resources, at mayroong young and talented workforce, at strategic location.
Pinapurihan din ng opisyal ang lalawigan dahil sa pagiging first local government sa bansa na nakapagtatag ng green lane, na opisyal na kilala bilang Northern Samar One-Stop-Action Center for Strategic Investment.