13 February 2025
Calbayog City
Overseas

North Korean Leader Kim Jong Un,  pinangunahan ang isa pang Test Firing ng Multiple Rocket Launcher

SINAKSIHAN ni North Korean Leader Kim Jong Un ang isa pang test firing ng bagong multiple rocket launch system na planong ipagamit ng bansa sa kanilang pwersa simula ngayong taon.

Ayon sa Korean Central News Agency, kinumpirma sa test ang “Advantage and Destructive Power” ng 240-millimeter multiple rocket launcher at mga guided shell nito. 

Sinabi ng KCNA, na ang naturang system na dalawang beses nang na-test ngayong taon, ay ide-deploy sa combat units simula 2024 hanggang 2026 kapalit ng mga lumang armas.

Sa mga nakalipas na buwan, pinanindigan ng North Korea ang pagpapalakas ng kanilang mga armas bilang bahagi ng  pagpapalawak ng kanilang military capabilities habang nananatiling nakatengga ang  usapang pangkapayapaan sa Amerika at South Korea.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *