Kinuwestiyon ni Ombudsman Samuel Martires ang pagsasara ng warehouses ng National Food Authority (NFA), sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y iligal na pagbebenta ng bigas sa mga piling trader.
Sinabi ni Martires na hindi patas na isisi sa Ombudsman ang kawalan ng kakayahan ng NFA na magbenta ng bigas ngayon dahil sarado ang mga warehouse.
Binigyang diin ng tanodbayan na dapat ay mayroong relievers para sa mga absent o suspendidong warehouse personnel, upang hindi maapektuhan ang normal na operasyon.
Reaksyon ito ni Martires matapos ihayag ng Department of Agriculture na pitumpu’t siyam na warehouses ang nananatiling naka-padlock, sa gitna ng pagsisiyasat na naturang kontrobersiya.