PINAALALAHANAN muli ng PNP ang netizens na mag-ingat sa online activities matapos tumaas ang mga kaso ng cybercrime sa bansa sa unang quarter ng taon.
Sa pinakahuling datos, nakapagtala ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ng kabuuang 4,469 cybercrime incidents simula Enero hanggang Marso.
Mas mataas ito ng 21.84 percent mula sa 3,668 incidents na naitala sa ika-apat na quarter ng 2023.
Ayon kay PNP ACG Chief, Police Major General Sidney Hernia, nanguna ang online selling scams sa listahan ng cybercrimes na umabot sa 990.
Sumunod ang 319 cases ng investment scams, 309 cases ng debit/credit card fraud, at iba pang mga panloloko sa online.