20 May 2025
Calbayog City
National

NAIA pang-apat sa worst airport sa Asya, ayon sa isang survey

naia

PUMANG-apat ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa worst airport sa asya, ayon sa survey na isinagawa ng isang website na naka-base sa United Kingdom.

Sa resulta ng businessfinancing.co.uk, nakakuha lamang ang NAIA ng average na 2.78 mula sa business travelers na hiniling na i-rate ang mga paliparan sa Asya sa score na 1 to 10.

Ang Kuwait International Airport ang worst matapos makakuha ng score na 1.69, sumunod ang Almaty International Airport sa Kazakhstan, at King Abdulaziz International Airport sa Saudi Arabia.

Samantala, ang No Bai International Airport sa Vietnam ang itinanghal na Best Airport sa Asya sa naturang pag-aaral, na nakakuha ng average rating na 6.80.

Sinundan ito ng Changi Airport ng Singapore at Hong Kong International Airport.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *