ISANG chemical leak ang naiulat makaraang tumirik ang isang tanker sa Quirino Avenue sa Maynila.
Ayon sa Manila Special Rescue Force, naglalaman ang tanker ng tatlunlibong litro ng Hydrochloric Acid o Muriatic Acid.
Tumagas ang asido na ligtas umano kapag hindi puro, at kung concentrated naman at nainitan ay mag-e-evaporate, subalit masakit sa mata at ilong at kapag nadikit sa balat ay magdudulot ng pangangati.
Wala namang mga residenteng inilikas dahil malayo naman ang pinangyarihan ng insidente sa mga kabahayan.