27 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Multi-awarded actress Jaclyn Jose, namatay sa atake sa puso, ayon sa anak na si Andi Eigenmann

jaclyn jose

Isiniwalat ni Andi Eigenmann na pumanaw ang kanyang ina na si Jaclyn Jose, noong Sabado ng umaga, March 2, bunsod ng myocardial infarction o heart attack.

Sa press conference, kahapon, humiling ang dating aktres na naka-base sa Siargao, ng respeto at privacy sa gitna ng pagdadalamhati ng kanilang pamilya sa biglaang pagpanaw ng kanyang nanay.

Nagbigay pugay din si Andi sa “undeniable legacy” ng kanyang namayapang ina na aniya ay habang buhay na tatatak sa industriya, sa mga anak nito at apo, at sa maraming iba pa na nakasama ni Jaclyn.

Sinabi pa ni Andi na ang kanyang ina, ang mismong buhay nito, ang  pinakamaganda nitong obra maestra.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *