Bilang pagdiriwang ng National Children’s Month, nakatakdang magbigay ang Manila Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ng libreng sakay sa mga bata at menor de edad, sa lunes, Nov. 6.
Sinabi ni National Council for the Welfare of Children (CWC) Executive Director Angelo Tamales na sakop ng libreng sakay sa MRT-3 ang mga nasa grade school hanggang senior high school o 18 years old pababa.
Available ang libreng sakay simula 7am hanggang 9am at 5pm hanggang 7pm.
Nilinaw naman ng CWC na hindi saklaw ng libreng sakay ang kasamang adults ng mga bata.