13 February 2025
Calbayog City
National

MRT-3 at LRT-2, may alok na libreng sakay ngayong Araw ng Kagitingan

MAY libreng sakay ang mga pasahero ngayong Martes sa MRT-3 at LRT-2 bilang bahagi ng paggunita sa Araw ng Kagitingan  o  Day of Valor, na isang public holiday.

Ang libreng sakay sa dalawang linya ng tren ay simula alas syete ng umaga hanggang alas nueve ng umaga at ala singko ng hapon hanggang alas syete ng gabi.

Sinabi ni MRT-3 Office-In-Charge Jorjette Aquino, na ang kanilang hakbang ay bilang pasasalamat sa mga makabagong bayani, kabilang na ang medical front liners, government personnel, at mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor.

Samantala, maari namang ma-enjoy ng military veterans ang libreng sakay sa MRT-3 at LRT-2 hanggang sa April 11, araw ng Huwebes para sa pagdiriwang ng Philippine Veterans Week.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *