Nagsanib-pwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Traffic and Parking Bureau sa pagsasagawa ng clearing operation sa Maynila.
Unang pinuntirya ng mga otoridad ang Road 10 sa port area at tiniketan ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa gilid ng kalsada.
Ang mga sasakyan naman na walang driver ay isinakay sa tow truck.
Sunod na tinungo ng mga tauhan ng MMDA at MTPB ang Moriones Street sa Tondo kung saan nabulabog ang mga sidewalk vendor.
Isang kotse ng Barangay Kagawad ang nasampolan at hinatak patungo sa impounding area sa Tumana, Marikina.