NAGBABALA si United Nations (UN) Secretary General Antonio Guterres sa international community laban sa mas malalim na hindi pagkakaunawaan.
Ginawa ng UN Chief ang babala sa isang pulong kasama ang security council, matapos atakihin ng Iran ang Israel noong sabado.
Sinabi ni Guterres na hindi na kakayanin pa ng Middle East o kahit ng mundo, ang panibagong digmaan.
Idinagdag ng pinuno ng UN na ngayon ang panahon para magpahupa ng galit at kumalma, kasabay ng panawagan ng “Maximum Restraint.”
Noong sabado ay nagpakawala ng mahigit tatlundaang drones at missiles ang Iran sa Israel, at halos kalahati nito ay na-intercept ng Israel, maging ng Amerika, Jordan at Britain.
Tugon ito ng Iran sa April 1 Airstrike Attack na inilunsad ng Israel sa consulate building ng Tehran sa Damascus, Syria.