25 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Michael V, nilinaw na hindi pa matatapos ang ‘Pepito Manaloto’ sa gitna ng mga espekulasyon

MISMONG si Michael V. ang tumuldok sa mga espekulasyon na nagsu-shooting na ng final episodes ang comedy series na “Pepito Manaloto.”

Nilinaw ng actor-comedian na hindi totoo ang tsismis, at ang lumabas na litrato nila na nag-gu-group hug, at nagre-represent lamang ng remembrance at appreciation.

Sinabi ni Michael V. na masaya lamang ang cast na ang kanilang on- and off-screen na samahan ay nananatiling matatag sa kabila ng mga nakakatakot nilang pinagdaanan noong pandemic.

Idinagdag pa ni Bitoy na mayroon silang “Summer Special” na kinunan pa sa Nueva Ecija at ipalalabas sa susunod na episodes ng naturang TV show.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *