ACCOUNTED for at ligtas ang lahat ng Pilipino sa Taiwan, ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taipei, kasunod ng magnitude 7.2 na lindol, kahapon ng umaga.
Sinabi ni MECO Deputy Resident Representative Alice Visperas na sa awa ng Diyos ay walang na-injure o na-trap na pinoy sa gusali na gumuho dahil sa malakas na lindol.
Ayon kay Visperas, mayroong tinatayang isandaan pitumpung libong Pilipino sa Taiwan.
150,000 dito ay Overseas Filipino Workers, 11,000 ang nakapang-asawa ng Taiwan nationals, habang tatlunlibo ay mga estudyante o interns.