TINAWAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “unacceptable” o hindi katanggap-tanggap, hindi makatwiran, at hindi makatarungan ang mga banta na nagdudulot ng pangamba sa mga Pilipino.
Sa paggunita sa Araw ng Kagitingan, kahapon, inihayag ng pangulo sa mga pinoy na tulad ng ipinamalas ng ating mga ninuno, hindi tayo dapat magpasupil at magpa-api, lalo na sa loob ng sarili nating bakuran.
Ginawa ng punong ehekutibo ang pahayag, isang araw bago ito umalis patungong Washington D.C., para dumalo sa trilateral summit, kasama ang United States at Japan.
Layunin ng summit na pagtibayin pa ang alyansa ng tatlong bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea bunsod ng agresibong mga hakbang ng China.