INANUNSYO ng Department of Trade and Industry (DTI) na posibleng ilabas ang guidelines sa limandaang pisong buwanang diskwento ng Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWDs) sa katapusan ng Marso.
Sinabi ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na magsasagawa muna ngayong linggo ng public consultation para sa ilalatag na mga panuntunan.
Aniya, ang DTI, Department of Agriculture, at Department of Energy ay magsasanib-pwersa sa pagbalangkas ng joint administrative order kaugnay ng panukalang increase, at mabigyan ang stakeholders ng pagkakataon na ma-review ang draft ng dokumento.
Makatatanggap ang Senior Citizens at PWDs ng mas mataas na monthly discount sa groceries at iba pang prime commodities na nagkakahalaga ng 500 pesos mula sa kasalukuyang 260 pesos.