NAKIISA si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa City Drug Abuse Prevention and Rehabilitation Office, sa isinagawang Drug Free Workplace Symposia.
Kasama ng alkalde ang iba pang City Officials, City Department Heads and Assistants, City Mayor’s Office Division Chiefs, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Samar.
Sa symposia na ginanap sa CEO Conference Room, isang on-the-spot drug test ang isinagawa bilang bahagi ng kanilang commitment na mapanatili ang drug-free environment.
Sa pamamagitan din ng test ay napanatili ang integridad ng drug free workplace policy and program sa Calbayog City.