NAHAHARAP sa imbestigasyon ang National Food Authority (NFA) bunsod ng katiwalian makaraang magbenta umano ng bigas sa ilang traders sa mas mababang halaga.
Ilang NFA officials ang umano’y pumayag na ibenta ang milled rice na nakalagay sa warehouses ng NFA sa halagang bente singko pesos kada kilo nang walang bidding, kahit binili ng ahensya ang palay sa halagang 23 pesos per kilo.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na bumuo na ng lupon na magsisiyasat sa naturang alegasyon.
Tiniyak din ng kalihim na mahaharap sa mabigat na parusa ang mapatutunayang mga korap na opisyal.