22 April 2025
Calbayog City
National

Mga opisyal ng barangay, hindi dapat makialam sa signature campaign para sa Cha-Cha, ayon sa COMELEC Chief

HINDI dapat makialam ang mga opisyal ng barangay sa signature campaign para sa People’s Initiative kaugnay ng isinusulong na Charter Change (Cha-Cha).

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, na bilang pinuno ng poll body, hindi niya papayagan ang barangay officials na makialam sa pangangalap ng pirma dahil konektado pa rin sila sa political parties.

Gayunman, aminado si Garcia na mas mainam kung manggagaling ang babala sa Department of the Interior and Local Government (DILG), dahil ito ang may hurisdiksyon sa barangay governments.

Una nang inihayag ni DILG Secretary Benhur Abalos na sumulat siya sa COMELEC para humingi ng paglilinaw sa papel ng barangay officials sa partisan political activities, pati na sa People’s Initiative.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *