Ilang errors sa marble base statue ni Los Angeles Lakers star Kobe Bryant sa labas ng Downtown Arena ng team ang naitama na.
Ginawa ang correction bago ang regular-season home finale ng Lakers laban sa Golden State Warriors.
Ang 19-foot bronze statue, na isinapubliko noong Pebrero, ay isa nang sikat na photo spot at meeting point para sa Lakers fans.
Gayunman, mali ang spelling ng mga pangalan ng mga dating NBA players na sina Jose Calderon at Von Wafer sa marble base, pati na ang katagang “coach’s decision.”
Nagkaroon din ng minor reformatting sa ibang spot sa ibaba ng estatwa, kung saan nakalagay ang maraming accomplishments ni Bryant.