IPINO-protesta ng mga mangingisda sa Navotas ang demolisyon at reklamasyon upang mailigtas ang kanilang kabuhayan na pagpaparami at pagbebenta ng tahong.
Nasa limanlibong farms na ng tahong ang winasak sa pamamagitan ng backhoes at libo-libong pamilya na ang apektado ng demolisyon.
Kabilang sa mga giniba ay mga mussel farms sa Barangay Sipac-Almacen noong Marso.
Simula noong dekada sitenta ay kilala na ang tahong bilang produkto sa Navotas, at nagawan na nga ito ng iba’t ibang produkto gaya ng steamed, gourmet, at chips.
Gayunman, tila nagbabadya ang pagbagsak nito bunsod ng modernization at urbanization.