TINIYAK ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes sa publiko na handa silang tumulong sa mga commuter, sa gitna ng transport protest, ngayong martes.
Sinabi ni Artes na sa mga nakalipas na transport strike ay minimal lamang ang mga reklamo mula sa mga mananakay, kaya naman hindi na sila nagrekomenda pa ng suspensyon ng klase o trabaho.
Aniya, mayroon naman kasi silang inihandang mga hakbang sakaling magkaroon ng disruptions sa public transportation.
Idinagdag ng MMDA Chief na dahil sa paulit-ulit na rally ay nasanay na rin silang rumesponde.