27 April 2025
Calbayog City
Local

Mga kawani ng Provincial Government ng Samar, nakiisa sa pagdiriwang National Women’s Month

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month, nakiisa ang mga empleyado ng Samar Provincial Government sa Purple Fridays Campaign, kung saan ang bawat isa ay hinikayat na magsuot ng kulay purple na damit, tuwing Biyernes sa buong buwan ng Marso.

Nagkataon naman na noong Biyernes ay ipinagdiwang ang International Women’s Day, kaya akmang-akma ang pagsusuot ng purple ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Nagpaabot din ng pagbati si Samar Governor Sharee Ann Tan sa lahat ng Samarenyas at sa lahat ng kababaihan sa buong mundo.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Tan ang kababaihan na ipagmalaki ang mahalagang papel na kanilang ginagampanan bilang puso at ilaw ng bawat tahanan. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *