21 June 2025
Calbayog City
National

Mga ibinibentang booklets para sa Catch-Up Fridays, hindi otorisado ng DepEd

HINDI otorisado ng Department of Education (DepEd) ang pagbebenta ng booklets o workbooks para sa Catch-Up Fridays.

Sa statement, muling ipinaalala ng DepEd na ang kalahintulad na aktibidad kung na saan kailangang maglabas ng pera  ay mahigpit na ipinagbabawal ng kagawaran.

Pinayuhan din ng ahensya ang mga magulang at mag-aaral na huwag tangkilikin ang mga hindi otorisadong transaksyon.

Ginawa ng DepEd ang pahayag makaraang makatanggap ng mga reklamo, na ilang school personnel ang nag-o-obliga sa mga estudyante na bumili ng booklets o workbooks para sa Catch-Up Fridays at iba pang mga aktibidad.

Idinagdag ng ahensya na sinimulan na nilang imbestigahan ang isyu, kasabay ng pagtiyak na ang sinumang mapatunayang nagkasala ay mahaharap sa kaparusahan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *