21 May 2025
Calbayog City
National

Mga estudyanteng Tsino sa Cagayan, mayroong mga kaukulang dokumento, ayon sa Immigration

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration na mayroong proper documents ang Chinese students na nag-aaral sa St. Paul University Philippines (SPUP) sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa BI, kabuuang 1,516 Chinese Nationals ang pinagkalooban ng student visas sa Cagayan noong 2023, at lahat ay inendorso ng SPUP.

Inihayag naman ng pamunuan ng unibersidad na sa kasalukuyan, 486 Chinese students lamang ang naka-enrol sa SPUP, habang ang iba ay naghihintay pa ng susunod na enrollment period.

Idinagdag ng SPUP na simula noong 2002 ay mayroon na silang akreditasyon o kinikilala na sila ng Chinese Ministry of Education para mag-alok ng edukasyon sa mga Tsino.

Kahit noong wala pang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Cagayan, o sa buong Pilipinas, ay mayroon na umanong Chinese Students na naka-enroll sa undergraduate programs noong 2006, 2007, hanggang 2011.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *