18 March 2025
Calbayog City
National

Mga deboto na makikiisa sa Pista ng Itim na Nazareno hinimok ni Pang. Marcos na maging instrumento sa pagtataguyod sa kapayapaan, pagkakaisa at awa sa kapwa

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga mananampalataya na gamitin ang Pista ng Itim na Nazareno para palakasin pa ang pananampalataya sa Diyos.

Ayon sa Pangulo, dapat madiskubre ng mga mananampalataya ang inner strength at magkaroon ng bagong pag-asa.

Sabi ni Pangulong Marcos, na isang malaking selebrasyon ang Pista ng Itim na Nazareno dahil sa awa at pagmamahal ng Diyos sa tao.

Hinimok din ng Pangulo ang mga mananampalataya na palalimin pa ang koneksyon sa Diyos at maging instrumento sa pagtataguyod sa kapayapaan, pagkakaisa at awa sa kapwa Pilipino at sa bayan.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *