15 February 2025
Calbayog City
Local

Mga dating rebelde sa Samar na nabigyan ng pabahay, magsisilbing Forest Rangers

MAGSASANAY bilang Forest Rangers ang mga dating rebelde sa San Jose De Buan, Samar na kamakailan ay nakinabang mula sa proyektong pabahay ng pamahalaang panlalawigan.

Babantayan ng rebel returnees ang bahagi ng natural na kagubatan sa Samar Island Natural Park.

Sinabi ni Samar Governor Sharee Ann Tan na ang unang sampung dating rebelde ay kukuhaning Forest Guards bilang bahagi ng livelihood assistance ng gobyerno sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Trabaho ng rebel returnees na i-monitor ang kagubatan at tumulong sa regular DENR Forest Rangers tuwing mayroong forest protection activities.

Noong April 5 ay sampung units sa ilalim ng “Saad nga Balay” Project ang itinurnover sa mga residente na inabandona ang armadong pakikibaka ng New People’s Army (NPA).

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *