HINARASS muli ng China Coast Guard (CCG) ang mga barko ng Pilipinas sa pangunguna ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Rozul o Iroquois Reef sa West Philippine Sea.
Sa post sa X, sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine sea, Commodore Jay Tarriela, na ine-eskortan ng PCG at BFAR Ships ang dalawang fishing boats habang nagbabagsak ng “Payao” sa dagat sa Rozul Reef na nasa loob ng 370-kilometer Exclusive Economic Zone (EEZ).
Aniya, dalawang CCG Vessels na karaniwan nang indikasyon kapag mayroong Philippine Ships ang nang-harass sa dalawang bangkang pangisda.
Nangyari ang insidente, tatlong araw bago ang joint exercises ng Pilipinas kasama ang mga kaalyadong bansa sa West Philippine Sea kahapon, at isang linggo bago ang trilateral summit sa Washington, kasama ang Japan at US.