21 May 2025
Calbayog City
Local

Mga barangay sa Northern Samar, ligtas na mula sa mga rebelde, ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos

IDINEKLARA ni Interior Secretary Benhur Abalos na ligtas na mula sa Guerilla Fronts at Communist Groups ang lahat ng mga barangay sa Northern Samar.

Sinabi ni Abalos na wala nang impluwensya mula sa mga rebelde ang mga residente sa naturang lalawigan.

Kamakailan ay pinangunahan ng kalihim ang pamamahagi ng mahigit isandaan animnapung libong halaga ng livelihood at financial assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration (E-Clip) Program na pinangangasiwaan ng DILG, sa labing anim na dating mga rebelde.

Ang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ay tumanggap ng tig-labinlimang libong immediate assistance at 50,000 pesos na livelihood assistance.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *