APATNAPU’T limang bagong traffic enforcer ng MMDA, na kinabibilangan ng 33 lalaki at 12 na babae, ang nakapagtapos sa dalawampung araw na training.
Ayon sa MMDA, nakatakdang sumabak sa kalsada ang unang batch ng traffic enforcers na sumailalim sa Traffic Safety Management Orientation Course for Traffic Enforcers (Entry Level) para sa taong ito.
Pinangunahan naman ni Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas ang graduation ceremony ng mga nagsipagtapos.
Ilan sa mga itinuro sa kanila ay mga batas at regulasyon sa trapiko, traffic hand signals and gestures, road safety, at apat na araw na traffic immersion.