26 March 2025
Calbayog City
Entertainment

Megan Young, humingi ng paumanhin matapos maging kontrobersyal ang pag-aayos niya sa buhok ni Miss Botswana

HUMINGI ng paumanhin si Megan Young matapos maging kontrobersyal ang pag-ayos nito sa buhok ni Miss Botswana Lesego Chombo. 

Nagsilbing host sa Miss World 2024 si Megan Young. 

Ayon kay Young, mabuti ang intensyon niya sa pag-ayos niya sa buhok ni Miss Botswana.

Pero nalaman niya na “culturally unacceptable” ang kaniyang ginawa.

Sinabi ni Young na nagkausap na sila ni Miss Botswana at humingi na siya ng paumanhin dito. 

Humingi ng paumanhin si Young sa lahat ng nakapansin sa nangyari at sinabing hindi niya intensyon na mag-invade ng personal space o sadyaing gawing hindi komportable si Miss Botswana. 

Sa kaniyang post sa facebook, sinabi naman ni Miss Botsawana na na-appreciate niya ang mga pag-aalala sa kanya.

Gayunman, hindi aniya tama na sirain ang ibang tao gamit ang kaniyang pangalan.

Nanawagan din si Miss Botswana sa lahat na maging mabuti kay Megan. 

Mayroon din namang ilan ang nagpahayag ng papuri sa ginawa ni Megan Young. 

Anila, ang pag-ayos ni young sa buhok ni Miss Botswana ay nagpapakita lamang ng pagsuporta ng mga beauty queen sa isa’t isa.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *